Hanapin ang mga tanong na wala pang sagot...
Isulat dito ang gustong itanong....
> Ano ang mga pamahiin ng mga Pilipino?

Ano ang mga pamahiin ng mga Pilipino?

Answer:
Ano nga ba ang pamahiin? Paano ito nakakaapekto sa pamumuhay ng bawat Pilipino?
Pamahiin is actually the Filipino word for superstitious beliefs and is said to be the basis of some groups of people's way of life.
Ito daw ay ang walang basehang paniniwala na ang isang bagay o pangyayari na makakaapekto sa isa pang pangyayari kahit wala silang relasyon sa isa't isa.
Ang mga Pilipino ay sinasabing may malaking paniniwala sa pamahiin. Kasali na ito sa ating kultura, at maraming mga pinoy ang ibinabase ang kanilang araw-araw na pamumuhay sa mga pamahiin.
Naiimpluwensyahan ng mga ito ang ating mga buhay at pananaw sa mga iba't ibang pangyayari (events) sa ating buhay tulad ng kasal, binyag at maging sa kamatayan.
Nakakatuwa lamang na ang mga pamahiin ay mahigpit na sinusunod ng mga pinoy kahit magiging malaki ang epekto nito sa mga taong kasangkot.
Halimbawa na lamang ang babaeng ikakasal. Hindi niya dapat isukat ang kanyang pangkasal sa dahilang hindi matutuloy ang kanyang kasal. Kaya sa oras ng kanyang kasal, kung hindi masikip ay sobrang luwag ang kanyang damit. Napaka impraktikal na dahilan hindi ba?
Sa binyagan naman, kung sa isang simbahan ay maraming bibinyagan, dapat daw ay itakbo mo ang iyong anak at unahan ang lahat ng mga bata sa paglabas sa simbahan. Ito daw ay sa dahilang para hindi madaig ng ibang bata ang iyong anak. Madaig ibig sabihin ay mas hindi siya magiging masasakitin sa lahat ng batang nandoon , mas magiging matalino siya at marami pang ibang dahilan .
Gagawin ng nanay (o tatay ) ang pagtakbo nang mabilis kahit halos madisgrasya siya sa kaniyang gagawin maging ang kanyang anak.
Kapag may namatay sa isa sa mga kamag-anak, ang pamilya ay hindi pinapayagang magwalis. Ito daw ay sa dahilang ang kaluluwa ng namatay ay nandoon pa sa lupa at nasa paligid lamang. Hindi daw siya pwedeng mawalis o maitaboy.
Ang pamahiin ay hindi lamang nakakaapekto sa mga okasyon at mahahalagang pangyayari sa pinoy. Napakarami pang mga pamahiin na hanggang sa ngayon ay sinusunod pa din . Sasabihin ng matatanda , walang masama sa pag-iingat kaysa sa magsisi sa huli.
Ito ang ilan lamang sa mga pamahiin na karamihan sa atin ay nakagisnan:
*Sa unang pagkakataon na ang babae ay magkakaregla, kailangan ay tumalon siya sa ikatlong baitang ng kanilang hagdan sa bahay. Para daw ang kaniyang regla ay magiging tatlong araw lamang at hindi na lalagpas pa dito.
* Kapag ang isang tao ay nanaginip ng nabubunot ang ngipin, mayroong kamag-anak na mamamatay.
*Ang isang dalaga ay hindi dapat kumakanta sa harap ng kalan o habang nagluluto . Siya ay makakapag-asawa ng matanda.
*Kung masugatan ka ng Biyernes Santo, hindi na ito gagaling.
*Hindi maaring maligo kung Biyernes Santo (o hangga't patay si Kristo). (Di ko alam kung bakit)
*Ang paggugupit ng kuko kung Biyernes o sa gabi ay hindi pinahihintulutan dahil mag-aaway kayo ng isa sa magulang mo.
*Malas ang makasalubong ng itim na pusa sa paglalakad . Magkakaroon ng masamang pangyayari.
*Ang babaeng buntis ay hindi dapat kumain ng kambal na saging. Magiging kambal din ang kaniyang mga anak.
Ilan lamang ito sa mga pamahiin na hanggang sa ngayon ay sinusunod pa din ng mga Pilipino. Matatanda man o bata.
_hope this will help_ cesz19_

Like this (55)      Discuss      Follow      Share on Facebook Share on Twitter

First answer by ID3732922182. Last edit by Mamamah. Contributor trust: 1 [recommend contributor]. Question popularity: 55 [recommend question].


Related answers:
Mga pamahiin ng ninunong pilipino?
like: bawal magwalis sa gabi lalabas ang swerte..... and:huwag tutuloy sa pupuntahan kung nakakita ng pusa mamalasin ka...... some:bawal magsaya kapag may patay magmumulto ito....... of:bawal hawakan...
Ano ano ang mga pamahiin ng pilipino noon?
diko alam
Bakit naniniwala ang mga pilipino sa mga pamahiin?
dahil ito ang kanilang kinalakhang gawain o batas...
Ano ang mga pamahiin ng mga ninunong Pilipino?
ANG MGA PAMAHIIN NG ATING MGA NINUNO AY TUNGKOL SA KASALAN,SA PAGAASAWA,SA PAGKAKAANAK.ITO AY ANG SS. Kung ang nais mo naman ay mapalapit sa iyo ang iyong anak,dapat sanggol pa lang ito ay ipinasuot...
Saan inihahalintulad ang pilipino o meron ang pilipino?

 

Our contributors said this page should be displayed for these questions.
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT