Hanapin ang mga tanong na wala pang sagot...
Isulat dito ang gustong itanong....
> Ano ang mga naiambag ng mga Espanyol sa Pilipinas?

Ano ang mga naiambag ng mga Espanyol sa Pilipinas?

Protected question
Answer:
Mga naiambag ng mga espanyol sa pilipinas?

Lahat na yata ng aspeto sa buhay ng mga Pilipino ay naimpluwensya ng mga Espanyol. Unang-una ang Katolisismong pananampalataya at pagdiriwang ng mga fiesta. Sa edukasyon, pilit na itinuro ang relihiyon at wikang Espanyol. Kaya kapansin-pansin ang mga hiram na salita gaya ng mesa, taza, tinidor at iba pa. Ang mga pangalan din ng mga Filipino ay pinalitan. Maraming Filipino ngayon ay may apilyidong Espanyol gaya ng Chavez, Zamora, Quezon, Rodriguez, atbp. May impluwensya din ang mga Espanyol sa pananamit at pagluluto. Relihiyon
Ang pinakamalaking impluwensyang espanyol sa kulturang Pilipino ay ang kristyanismo. Naging dahilan ito upang tawagin ang pilipinas na "tanging Bansang kristyano sa asya." Maraming kaugaliang panrelihiyon ang natutuhan ng mga Pilipino. Kabilang ditto ang pagdaraos ng kapistahan bilang parangal at pasasalamat sa santong patron.
pagkain:
natuto ang mga Pilipino na kumain ng tinapay, karne ng baka at tupa, longganisa,sardinas, hamon, at atsara. natutuhan nila ang pag-inom ng kape, tsokolate, at alak. gayundin ang paggamit ng kutsara, tinidor, plato, tasa, baso at serbilyetas. natuto rin silang kumain ng mga halamang pagkain gaya ng mais, patatas, repolyo, kakaw at iba pa.

Pananamit:
Natutong mag suot ng americana, pantalon at sombrero ang mga lalaki. saya at kamisang maluwang at may mahahabang manggas sa mga babae. nagsusuot na rin ng sapatos, tsinelas, medyas, panwelo at payneta.

Musika:
Itinuro ng Kastila ang paggamit ng instrumentong pangmusika gaya ng byulin, plawta, alpa,pyano at gitara. likas na mahilig sa musika, nakalikha ang mga Pilipino ng mga instrumentong musikal buhat sa kawayan. bumuo sila ng banda ng musikong bumbong na tumututog sa mga kasayahan. ang organong kawayan na tanyag sa daigdig ay matatagpuan sa Simbahan ng Las Pinas, Metropolitan Manila. ito ay nilikha noong 1818 ni Padre Diego Cerra, isang paring kastila. ang Lupang Hinirang ni Julian Felipe at awiting Sampaguita ni Dolores Paterno ay impluwensyang Kastila.

Sayaw:
Madali ring natutuhan ng mga Pilipino ang mga sayaw mula sa Espanya tulad ng carinosa, pandango, surtido, La Jota, rigodon, polka at lancero.

Sining:
Nalinang noong panahon ng mga Kastila ang husay ng mga Pilipino sa larangan ng pagpipinta at iskultura. Tinagurian noon na Ama ng mga Pintor na Pilipino si Damian Domingo na unang pintor na Pilipino. umani ng tagumpay sa mga paligsahang pandaigdig sa pagpipinta sina Juan Luna at Filex Resurreccion Hidalgo. Si Juan Luna ang nagpinta ng Spoliarium at ng Sanduguan. Naging mahusay na mga manlililok ng mag imahen ng mga santong Katoliko ang ilang Pilipino. Si Mariano Madrinan ang tinaguriang Pinakadakilang Iskultor na Pilipino noon. Naging tanyag din sa larangang ito sina Dr.Jose Rizal, Isabelo Tampingco, Cipriano Bacay, Manuael Asuncion, Jose Arevallo at Pelagia Mendoza, ang unang Pilipinang manlililok.

Like this (72)      Discuss      Follow      Share on Facebook Share on Twitter


This answer is closed to changes. This is done in rare cases when questions are being vandalized or answers have become debates. E-mail reopen.tl @ answers.com (no spaces) if you would like it to be reopened.

First answer by Renzo1113. Last edit by Renzo1113. Contributor trust: 0 [recommend contributor]. Question popularity: 72 [recommend question].


Related answers:
Ano ang mga kultura nang dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas?
marami tayong kulturang naimpluwensya sa mga espanyol, at ito yung ilan sa kanila: Wika- Hacienda Pagkain-Masasarsa(tulad ng Caldereta, Mechado, Afritada, Kare-Kare, Menudo, atbp.)...
Ilang beses sinakop ng espanyol ang pilipinas?
5 Taon Sinakop ng Hapones ang Pilipinas
Ano ang naiambag ni magellan sa pilipinas?
Nabigyang daan pa para sa mas mayamang kasaysayan ng bansa. Kung hindi natuklasan ni Ferdinand Magellan ang Pilipinas, marahil Paganismo pa rin ang ating relihiyon ngayon. At hindi magsisikap ang...
Ano ang kulturang dala ng espanyol sa pilipinas?
ang mag dala ng mga espsnyol ay pagsusugal sabong pakikipag sosyalan  
Bakit pumunta sa Pilipinas ang mga Espanyol?
Dahil una, nais nilang ipalaganap ang kanilang relihiyong romanong katoliko. sunod, nakita nila ang potensyal ng pilipinas dahil sa napakarami nitong likas na yaman na makakapag paunlad sa kanilang...

 

Our contributors said this page should be displayed for these questions.
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT