Hanapin ang mga tanong na wala pang sagot...
Isulat dito ang gustong itanong....
> Ano ang dahilan at resulta ng pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga Kastila?

Ano ang dahilan at resulta ng pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga Kastila?

Answer:
  1. Reaksyon ng mga Pilipino sa Pananakop
    • Hindi lahat ng Pilipino ay sumang-ayon sa pananakop. Maarami sa kanila ang tumutol at nag-alsa sa laban sa mga Kastila.
    • Nagkaroon ng mahigit 100 pag-aalsa laban sa mga Kastila, karamihan ay naganap sa pagitan ng 1565 - 1600.
  2. Kahulugan ng Salitang Pag-aalsa
    • Pagtutol sa mga patakarang ipinatutupad
    • Paghingi ng mga pagbabago
    • Rebelyon
  3. Mga Dahilan ng Pag-aalsa
    • Pagnanais na maging malaya
    • Pagtututol sa mga Patakarang Pangkabuhayan
    • Panrelihiyon
    • Personal na Dahilan
  4. Pagnanais na Maging Malaya
    • May mga Pilipino na nais na maging malaya katulad noong bago dumating ang mga Kastila.
    • Magat Salamat (1587:Tondo)
    • Lakandula (1574:Tondo)
  5. Pagtututol sa mga Patakarang Pangkabuhayan
    • Kabilang sa dahilan ng pag-aalsa ng mga Pilipino ang labis na pahirap sa pagbabayad ng tributo, polo, idulto de comercio , pag-aagaw ng mga lupain at monopolyo.
    • Silang (1762-63:Ilocos)
    • Matienza (1745-46:Bulcan, Cavite, Rizal at Laguna)
  6. Panrelihiyon
    • May mga Pilipino na hindi tumaggap sa Katolisismo at nais balikan ang katutubong relihiyon.
    • Bankaw (1622:Leyte)
    • Tamblot (1622:Bohol)
    • Hermano Pule (1840:Tayabas, Quezon)
  7. Personal na Dahilan
    • May mga pag-aalsang naganap na ang dahilan ay ang mga personal na karaingan.
    • Malong (1660-61:Pangasinan)
    • Dagohoy (1744-1828:Bohol)
  8. Dahilan ng Pagkabigo ng mga Pag-aalsa
    • Kawalan ng pagkakaisa ng mga Pilipino.
    • Makabagong armas ng mga Kastila.
    • Kawalan ng mga pinunong may sapat na istratehiya at karanasan sa pakikidigma.
  9. Bunga ng Pag-aalsa
    • Maraming mga Pilipino ang nasawi sa pakikipaglaban.
    • Namulat ang maraming Pilipino sa mga pang-aabuso at pagmamalupit ng mga Kastila.
    • Naging dahilan ang mga pag-aalsa upang umusbong ang diwang Nasyonalismo sa mga Pilipino.


sana ay magustuhan niyo ang aking sagot.

Like this (111)      Discuss      Follow      Share on Facebook Share on Twitter

First answer by ID3732888671. Last edit by GalingPILIPINO. Contributor trust: 15 [recommend contributor]. Question popularity: 111 [recommend question].


Related answers:
Mga dahilan ng pag aalsa ng mga pilipino laban sa kastila?
dahil inalipin ng mga kastila ang mga pilipino at inabuso nila ito dahilan upang mag alsa ang mga pilipino laban sa mga kastila
Ano ang pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga kastila?
hindi ako tanungan
Mga pag-aalsa laban sa kastila?
Isa sa mga ito ay : Pinunit ng mga katipunero ang kanilang mga sedula..kasi hate ko si leonard supot adik
Pag aalsa ng mga pilipino laban sa mga espanol?
mactan cebu
Ano ano ang mga dahilan ng pag aalsa ng mga PILIPINO?
Dahil sa mababang tingin sa mga pilipino, sapilitang pag gawa , Pag babayad ng malaking buwis

 

Our contributors said this page should be displayed for these questions.