answersLogoWhite

0


Best Answer

Ang namumuno sa Kahariang Berbanya ay si Haring Fernando. Tinutulungan naman siya ng kanyang asawang si Reyna Valeriana sa pamamahala. May tatlo silang anak, si Don Pedro, ang panganay, si Don Diego, ang ikalawa at si Don Juan, ang bunso, na pawang sinanay na maging pinuno.

Isang gabi, napanaginipan ng hari na pinatay ng dalawang lalaki ang kanyang bunso na naging sanhi ng kanyang pagkakasakit. Kalungkutan ang namayani sa buong kaharian dahil dito. Sa maraming manggagamot na tumingin, isa ang nagsabi na ang tanging lunas ay ang Ibong Adarna.

Inutusan ng hari si Don Pedro upang hanapin ang ibong magpapagaling sa kanya. Pagkalipas ng ilang taon, Hindi ito nakabalik sapagkat naging bato nang tamaan ng dumi ng ibon sa Bundok Tabor. Ang sumunod ay si Don Diego. Katulad din ng kapalaran ni Don Diego. Humingi ng pahintulot si Don Juan sa ama na siya ang huhuli sa ibon at hahanap sa kanyang mga kapatid.

Naglakbay si Don Juan na ang tanging baon ay limang tinapay. Ang isang natitirang tinapay ay ibinigay niya sa isang ketonging humingi sa kanya ng limos. Naisalaysay niya sa ketongin ang kanyang pakay. Tinulungan naman siya ng ketonging makipagkita sa ermitanyo. Tinuruan siya ng ermitanyo kung paano makikilala at mahuhuli ang Ibong Adarna. Binigyan siya nito ng isang labaha at panghiwa sa kanyang palad, pitong dayap na ipipiga niya rito upang Hindi siya makatulog at gintong sintas na gagamiting panali sa ibon.

Si Don Juan ay naghintay sa ilalim ng punungkahoy na kung tawagin ay Piedras Platas. Inaantok na siya nang dumating ang ibon. Sinunod niya ang lahat ng sinabi ng ermitanyo kaya madali niyang nahuli ang ibon. Inutusan din ng matanda si Don Juan na buhusan ng tubig ang dalawang batong buhay. At muli ngang nabuhay ang mga kapatid ni Don Juan.

Habang pabalik sa Berbanya, ginawan na naman ng kasamaan Nina Don Pedro at Don Diego si Don Juan.

Isang matanda ang dumamay at nagpala kay Don Juan. Pagbalik niya sa Berbanya, ganoon na lamang ang katuwaan ng hari. Maging ang Ibong Adarna na ayaw umawit ay umawit at nagpakita ng pitong magagandang bihis. Gumaling ang hari. Ang Adarna ay totoong naging mahalaga sa hari kaya pinabantayan ito sa tatlong prinsipe. Dahil sa kabuhungan ni Don Pedro, nakipagpalit siya ng oras ng pagbabantay at pinakawalan ang Ibong Adarna upang si Don Juan ang maparusahan. Nang mawala ang ibon, umalis ng walang paalam si Don Juan.

Ipinahanap ng hari si Don Juan sa dalawa niyang kapatid. Natagpuan nila sa Armenya si Don Juan. Maganda at tahimik ang Armenya kaya ipinasyang magsama-sama silang mamuhay dito at huwag nang bumalik sa Berbanya.

Sa kanilang paglilibot sa Armenya, nakatagpo sila ng balon. Naghugos sina Don Pedro at Don Diego. Subalit bumalik sapagkat natakot. Tanging si Don Juan ang nagpahugos hanggang sa matuklasan niya ang hiwaga sa balon. Natagpuan niya doon ang magkapatid na prinsesa sa pangangalaga ng higante at ang huli ay ahas na may pitong ulo. Iniligtas niya sa mga ito ang magkapatid. Naghugos ulit si Don Juan upang kunin ang naiwang singsing ni Leonora. Pinutol ni Don Pedro ang lubid kaysa tuluy-tuloy na bumagsak si Don Juan sa balon. Hiniling ni Leonora sa kaibigang lobo na tulungan at gamutin si Don Juan.

Isinama ng magkapatid ang dalawang prinsesa sa Berbanya at hiniling na sila'y magpakasal. Ngunit tumanggi si Prinesa Leonora at humingi ng pitong taong palugit.

Muling nagkita si Don Juan at Ibong Adarna. Nalaman niya ang tunay na pangyayari tungkol sa pagkawala ng Adarna. Pinayuhan ng Adarna si Don Juan na layuan na si Leonora. Hanapin na lamang niya si Donya Maria na ubod ng ganda sa kaharian ng Crystales.

Sa tulong ng isang ermitanyo, nakarating si Don Juan sa kaharian ng Crystales sakay sa isang agila. Nagkita sina Don Juan at Donya Maria. Dahil sa nabihag ni Don Juan ang puso ng dalaga, itinuro sa binataang mga dapat isagot nito pagharap sa ama, si Haring Salermo.

Sinabi ng binata kay Haring Salermo ang kanyang pakay. Handa siyang sumunod sa anumang ipag-uutos nito. Binigyan siya ng hari ng pitong bagay na isasagawa niya. Ilan sa mga ito ang pagtitibag at pagpapatag ng bundok na sasabugan ng trigong gagawing tinapay sa loob lamang ng magdamag; ang pagkuha sa singsing ng hari na nahulog sa dagat, at marami pang iba. Sa tulong at taglay na mahika ni Donya Maria, naisagawa lahat ng kahilingan ni Haring Salermo.

Ipinatawag ng hari si Don Juan upang mapili nito ang prinsesang kanyang napupusuan- Si Donya Maria. Hindi ito naibigan ng hari. Binalak ng hari na ipadala sa Inglatera si Don Juan at ipakasal na lamang ito sa kanyang kapatid babae. Nalaman ni Donya Maria ang balak ng ama kaya nagtanan sila ni Don Juan. Dahil dito, nagalit ang hari. Sinundan niya ang maga itongunit Hindi inabutan. Sa halip isinumpa niya ang anak.

=ANG WAKAS=

by: Fritzie

HOPE YOU ENJOY!!!! THANK YOU!!! 0_0 <3

User Avatar

Wiki User

βˆ™ 13y ago
This answer is:
User Avatar
More answers
User Avatar

Wiki User

βˆ™ 11y ago

May isang kaharian pangalan ay berbanya na pinamumunuan ni Haring Fernando. May asawa siyang nagngangalang Reyna Valeriana at mga anak na sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan na pawang nakalinya na susunod na hari ng Berbanya. Nang nagkaroon nd di malamang karamdaman ang hari, hinanap ni Don Pedro ang Ibong Adarna na ang awit lamang ang makapagpapagaling sa sakit ng hari. Narating niya ang puno ng Piedras Platas subalit hindi niya nakita ang ibon dahil siya ay naging bato. Sumonod naman ay si Don Diego, nakita niya ang Adarna subalit nakatulog sa ganda ng awit ng Adarna kaya naging bato. Maluwalhati namang nakarating si Don Juan sa tuktok ng bundok Tabor at doon ay may nakita siyang ermitanyo. Binigyan siya nito ng pagkain at ilang impormasyon tungkol sa ibong adarna pati na rin 7 dayap at isang labaha upang hindi makatulog. Nang marating niya ang puno, ginamit niya ang mga dayap at labaha. Nang mahuli niya ang adarna, tinalian niya ang paa at saka dinala sa ermitanyo at nilagay sa loob ng isang hawla. Pinabuhusan ng tubig ang dalawang kapatid at naglakad sila patungo sa Berbanya. Pinagtulungan ng dalawa si Don Juan upang masolo ang pagiging hari. Ang adarna ay malungkot ganoon din si Haring Fernando nang makitang hindi kasama ng dalawa si Don Juan. Ginamot ng isang uugod-ugod na matanda si Don Juan at umuwi na sa Berbanya. Nakita ng adarna si Don Juan at ito ay umawit at nagamot si haring Fernando. Iminungkahi ng adarna na

gawing hari si Don Juan. Iniutos ng hari na ipatapon ang dalawa, ngunit dahil humiling si Don Juan na huwag na lang, ito ay ipinatigil.

Pinabantay ng hari ang adarna sa tatlong magkakapatid, ngunit pinuyat ng dalawa si Don Juan kaya nakatakas ang Adarna. Pinahanap ng hari ang maysala. Nagkita-kita ang magkakapatid sa kaharian ng Armenya at hinikayat nila si Don Juan na doon na lang manirahan. May nakita silang tae sa balon at tinangka nilang marating ang ilalim nito ngunit tanging si Don Juan lang ang nagtagumpay. Namangha si Don Juan sa ganda ng ilalim ng balon at kagandahan ni Juana. Nag-ibigan ang dalawa. Napatay ni Don Juan ang higante. Paalis na sana sila nang ipasundo ni Juana kay Don Juan ang bunso niyang kapatid na si Donya Leonora. Umibig din si Don Juan kay prinsesa Leonora. Sa huli, ay napaibig din niya si Leonora. Hindi matalo ni Don Juan ang serpiyente kaya,Binigyan ni Leonora si Don Juan ng balsamo at napatay niya ang serpiyente. Sila ay umalis ng balon kasama si Juana. Naalala ni Leonora ang kanyang singsing,kaya naki usap sya kay don juan na balikan ito,ngunit nang babalikan na ito ni don juan,pinatid nang kayang dalawang kapatid ang tali.inaya na nang dalawang magkapatid si juana at leonora na sumama na sila sa kaharian ng berbanya.Nag alala si leonora kay don juan kaya pinasundan niya si Don Juan sa kanyang kaibigang lobo. Nanaginip si Haring Fernando tungkol kay Don Juan. Nalungkot ang hari nang di Makita si Don Juan. Hiniling ni Don Pedro na ipakasal na sila ni Leonora ngunit hindi pumayag si Leonora,sinabi nitong sya ay may panata na hindi muna magpapakasal saloob ng 7 taon.Sa halip, sina Don Diego't Juana ang ipinakasal.

Lumakas si Don Juan nang mapahidan ng tubig mula sa ilog-hordan sa tulong ng lobo.hinanap ni don juan ang ibong adarna at natagpuan nya ito at sinabi sa kanyang kalimutan na si leonora atsa halip siya'y maglakbay patungo sa Reyno de los Cristal upang makita si Maria Blanka.Nahirapan si don juan bago marating ang kaharian ng de los Cristal.may mga tumulong sa kanya na magkakapatid na ermitanyo na may mga balbas.Hinintay ni Don Pedro si Leonora subalit si Don Juan lang ang NASA puso ng prinsesa. Sumakay si Don Juan sa isang agila ng ermitanyo patungong de los Cristal.Narinig ni don juan na may mga dalagang naghahagikhikan,hinanap niya ito.ang mga dalagang ito ay tatlong mag kakapatid,naliligo sila sa ibat ibang ilog.Ang pinaka nagustuhan ni don juan sa tatlong magkakapatid ay si princesa maria blanca.Ninakaw ni Don Juan ang kasuotan ni princesa Maria habang ito'y naliligo. Humingi ng patawad si Don Juan kay princesa Maria at di nagtagal umibig na rin si Maria ka Don Juan.Pinatuloy ni haring Salermo si Don Juan.Gusto niyang pakasalan si maria kaya ibinigay na agad ng hari ang kanyang unang pagsubok kay Don Juan. Ginamit ni princesa Maria ang kanyang mahika upang maisagawa ang pagsubok,dahil dito nagtagumpay si don juan sa unang pagsubok,palihim na natuwa si Haring Salermo kay Don Juan. Inilahad na ng hari ang kanyang ikalawang pagsubok kay Don Juan; ang pangongolekta muli ng 12 na negrito at si Maria nanaman ang gumawa nito. Pagkatapos, ibinigay na ng hari ang kanyang ikatlong pagsubok; ang paglipat ng bundok sa tapat ng bintana ng kwarto ng hari. Malamang, nagulat ang hari sa pagiging matagumpay ni Don Juan. Tinawanan lamang ni Donya Maria ang ika-apat na pagsubok. Hinayaan lamang Maria na matulog si Don Juan habang ginagawa niya ang pagsubok. Nawala ang singsing ng hari sa pagkakatalsik nito sa dagat nang siya ay nasa muog na ipinatayo niya kay Don Juan. Hiniling naman ng hari na ibalik ang bundok sa dating puwesto at patagin bilang ika-limang pagsubok na nagawa naman ni Donya Maria ng maayos. Kinailangan namang tadtarin pa ni Don Juan si Maria upang mahanap ang nawawalang singsing ng hari na naging dahilan ng pagkaputol ng kanyang daliri na nakapaloob sa ika-anim na pagsubok ng hari. Hiniling ng hari kay Don Juan na paamuhin ang mailap at ubod ng samang kabayo ng hari bilang huling pagsubok. Napaamo naman ni Don Juan ang kabayo sa tulong ng mga tagubilin ni Donya Maria.

Nang mapili ni Don Juan si Maria,hindi pa rin pumayag si haring salermo na ipakasal si don juan sa kanyang anak kaya nagtanan ang dalawang magkasintahan. Sa sobrang pagkalungkot ng hari ito ay namatay. Bumalik si Don Juan sa kaharian ng Berbanya at nagsaya ang buong kaharian.Hiniling niya sa hari na magpaksal sila ni leonora. Nagpunta si Maria sa Berbanya ngunit hindi siya nakilala ni Don Juan. Nagsagawa ng pagtatanghal si Maria patungkol sa mga pangyayari at pagsubok nilang dalawa ni Don Juan,at naalala na niya na ang mahal nya ay si maria blanca.Nagpakasal sina Maria blanca at Don Juan bumalik sila sa Reyno de los Cristal at namuno.Si Leon naman at si Don Pedro ang nagkatuluyan.

This answer is:
User Avatar

User Avatar

Wiki User

βˆ™ 12y ago

bat tatanong mo sa akin ano ako alien heheheh

This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Ang buod ng buong storya ng Ibong Adarna Tagalog?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Related questions

What is the script for ibong adarna play?

ibong adarna ewan diko alam ung buong estorya eh. pwede bang makita ang play ng adarna bird?


What is the Tagalog version of all over the world?

The Tagalog version of &quot;all over the world&quot; is &quot;sa buong mundo.&quot;


What is Tagalog word for lifetime?

Tagalog translation of LIFETIME: buong buhay


What is the tagalog of whole note?

The Tagalog term for &quot;whole note&quot; is &quot;bugtong na nota.&quot;


How do you say I love you with all my heart in Tagalog?

Tagalog translation of I LOVE YOU WITH ALL MY HEART: Mahal kita nang buong puso ko.


What is teakwood in tagalog?

ang pinaka matibay na kahoy sa buong mundo


What is the Tagalog translation of whole note?

The Tagalog translation of &quot;whole note&quot; is &quot;buwang nota&quot; or &quot;buo na nota.&quot;


How do you say your the most beautiful girl in the world in Tagalog?

Tagalog Translation of YOU ARE THE MOST BEAUTIFUL GIRL IN THE WORLD:Ikaw ang pinakamagandang babae sa buong mundo.


What is the meaning of Turnkey in tagalog?

The term &quot;Turnkey&quot; in Tagalog can be translated as &quot;Kompletong Produkto&quot; or &quot;Buong Produkto&quot; which refers to a product or service that is fully complete and ready for immediate use.


Ano sa Tagalog translation ang one of the most influential people of the world?

Tagalog Translation of ONE OF THE MOST INFLUENTIAL PEOPLE OF THE WORLD: isa sa pinaka-maimpluwensiyang tao sa buong mundo


Ano ang kasingkahulugan ng buong ingat?

anong kahulugan ng buong ingat


What is the theme for the buwan ng wika 2009?

English Language: From Baler to the Rest of the PhilippinesPinulongang Cebuano: Gikas Baler Hangtod tibuok PilipinasWikang Tagalog: Mula Baler Hanggang Buong Pilipinas